Nanawagan si Senator Bam Aquino na pairalin ang respeto at iwasan ang bastos at bulgar na mga pahayag sa social media.

Ayon kay Aquino, magkakaiba man ng pananaw, hindi pa rin dapat mawala ang respeto sa isa’t isa at pagiging disente sa social media.

“Walang lugar sa social media ang anumang masasakit na salita at pambabastos na maaaring mabasa ng mga kabataan,” ani Aquino.

Naghain ng resolusyon si Aquino upang malaman kung paano itinuturo sa mga paaralan ang tamang paggamit sa social media. Nanawagan siya sa sa iba’t ibang sektor na magtulungan para labanan ang mga pambabastos at pagkalat ng maling balita sa social media.

'Nawa'y ipagkaloob na po sa akin ang pagkakataon!' Mary Jane Veloso, nananawagan para sa kalayaan niya

Pinuna naman ni Senator Francis Pangilinan ang pambabastos na ilang kalalakihan sa mga babae sa social media na aniya ay hindi likas na ugaling Pinoy.

“Sobrang bastos ng mga atake sa kanila. Hindi ganyan ang karaniwang lalaking Pilipino. Magalang tayo. Mapagmahal.

Tawag nga sa ating mga Pilipino minsan ay mama’s boy dahil ang paggalang na pinapakita natin sa kababaihan ay nakaugat sa ating pagmamahal sa ating mga nanay at kababaihan,” ani Pangilinan. (Leonel M. Abasola)