Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng ilang branded na gamot dahil sa paglipana ng ilang pekeng produkto nito sa merkado.

Batay sa FDA Advisory No. 2016-141-A, na pirmado ni Director General Nela Charade Puno, nabatid na kabilang sa mga pinipekeng branded na gamot ay ang Dolfenal 500 mg (Mefenamic Acid); Tuseran Forte 15 mg/10 mg/325 mg capsules (Dextromethorphan HBr + Phenylephrine HCL + Paracetamol); Diatabs 2 mg capsule (Loperamide); Alaxan FR 200 mg/325 mg capsule (Ibuprofen + Paracetamol) at Neozep 10mg/2mg/500mg tablet (Phenylephrine HCl/Chlorphenamin Maleate/Paracetamol).

Pinayuhan ng FDA ang publiko na bumili lamang ng gamot sa mga botikang awtorisado ng kanilang ahensya.

(Mary Ann Santiago)

3 sa bawat 4 estudyanteng Pinoy, gumagamit ng 'paraphrasing AI tool!'—survey