Hindi pa masisibak sa trabaho ang 6,379 nurses at field personnel ng Rural Health Practice Program (RHPP) ng Department of Health (DoH) matapos igiit ni Senator Ralph Recto na gamitin muna ang tira ng 2016 budget ng ahensya para tustusan ang mga kawani, gayundin ang pagbili ng maraming medisina.

“There will be P24 billion unutilized by the end of the fiscal year, so why can’t you use this to retain the thousands of people on the ground?” ani Recto sa floor interpellation sa P147 bilyong panukalang badyet ng DoH para sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, may 21,118 authorized items ang RHPP. Samantala sa 2017 budget, 18,825 lang ang matutustusan dahil sa pagtaas ng sweldo ng mga ito na nakapaloob sa Salary Standardization Law IV. (Mario B. Casayuran)

Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025