Ginapi ng University of the Visayas ang University of St. La Salle, 47-46, para makopo ang Visayas Regionals title ng Milo-SBP kamakailan sa Capiz Gymnasium sa Roxas City.

Nanindigan ang bataan ni head coach Jaymar Canoy sa kritikal na sandali para maungusan ang matikas na karibal at tanghaling top SBP team sa Visayas.

Naisalpak nina Franco Gabunada at Mike Monton ang krusyal na baskets para makaabante ang UV tungo sa panalo.

Nanguna si Monton sa UV na may 20 puntos, habang tumipa si Gabunada ng walong puntos.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nabigo naman ang UV para sa double celebration nang matalo ng Bacolod Tay Tung High School, 56-52, sa Passerelle division .

Nakatakda ang National Finals sa Disyembre 3-4.