tom-copy

NAGPAGUPIT na finally si Tom Rodriguez, kaya hindi na siya mapapanood sa Someone To Watch Over Me na nagpi-flip ng mahaba niyang buhok, na pinupuna lagi ng televiewers.

Wala nang rason para pag-usapan ang buhok sa halip na ang istorya ng serye.

Isa sa natuwa na maiksi na uli ang buhok ng aktor ang girlfriend niyang si Carla Abellana. In fairness, ang guwapo ni Tom na mahaba ang buhok.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Feels so light to finally have my hair chopped off!!! If only it were as easy to shed fat hahaha! whew!” post ng aktor.

Kaya lang, parang may dalang lungkot sa viewers ng Someone To Watch Over Me ang pagpapagupit ni Tom, parang may mangyayari sa pagsasama nina TJ at Joanna (played by Tom and Lovi Poe respectively). Subaybayan na nga lang kung ano ang mangyayari sa mag-asawa.

Anyway, inirerekomenda namin sa netizens na bisitahin ang Instagram (IG) ni Tom to check his digital sketches. May ginawa siyang parang series na tinawag niyang Tiyanak, ang husay talaga ng kamay ng aktor. Ginagawa ni Tom ang digital sketches in between takes. Ang daming talents ng boyfriend ni Carla. (Nitz Miralles)