GINUGUNITA ngayon ang kalayaan ng Lebanon mula sa France. Ngayong araw, taong 1943, nakalaya mula sa pagkakabilanggo ang mga pinuno ng bansa — ang presidente, prime minister, at iba pang miyembro ng gabinete na pinatalsik mula sa Castle of Rashayya. Ipinagdiriwang ang Independence Day na may mga talumpati, parada, at iwinawagayway ang pambansang watawat.

Ang Republic of Lebanon ay soberanyang estado na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Asia. Nasa hangganan nito sa hilaga at silangan ang Syria, sa timog ang Israel, at sa kanluran ang Mediterranean Sea.

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Beirut, na ang sentrong silangang baybayin ng Lebanon sa peninsula ay pinalilibutan ng Mediterranean Sea. Marami itong mga makasaysayang lugar na nagtatampok din ng kultura, kabilang ang mga templo sa Baalbek, isang sinaunang lungsod na Phoenician city; ang Jeita Grotto, na magkadikit na karstic limestone cave na may 100,000 koleksyon, kabilang ang 1,300 artifact mula sa sinaunang panahon hanggang sa medieval Mamlum period; ang Sursock Museum, isang moderno at kontemporaryong sining na nagbukas noong 1961, na layuning mangolekta, pangalagaan at i-exhibit ang lokal at pandaigdigang sining; ang Corniche Beirut, seaside promenade na may mga puno ng niyog at ang harapan nito ay nagbibigay ng magandang tanawin ng Mediterranean at Mount Lebanon.

Unang itinatag ng Pilipinas ang Embahada sa Lebanon noong 1996. Kooperasyon sa hanapbuhay ang pangunahing pundasyon ng nasabing ugnayan, na ang Lebanon na may tanggapan ng konsulado sa Manila, ay naging tahanan ng libu-libong Pilipinong manggagawa. Sa pagdiriwang ng dalawang bansa ng ika-70 taon ng diplomatikong ugnayan, nag-organisa ang Lebanese National Higher Conservatory of Music, sa ilalim ni Dr. Walid Moussalem at sa pakikipagtulungan sa Philippine Embassy at Philippine National Commission for Culture and Arts, ng konsiyerto noong nakaraang taon na itinatampok ang Lebanese Philharmonic Commission (LPO) at kilalang Filipino pianist na si Professor Josue Greg Zuniega, sa St. Joseph Church sa Achrafied, Beirut.

Binabati natin ang mamamayan at gobyerno ng Republic of Lebanon, na pinamumunuan ni President Micheal Aoun, sa pagdiriwang ng kanilang ika-73 Independence Day.