PAGBO-BOXING ang ginagawa ng Victoria’s Secret model na si Adriana Lima bilang paghahanda sa inaabangan ng buong mundo na taun-taong lingerie fashion show.
“The Victoria’s Secret fashion show gets bigger, and more and more countries are watching the show all over the place. And you’re not going to be wearing much and you want to look your best in there. So yes, I get nervous and anxious,” saad ng Brazilian model nitong Lunes.
Naging bahagi na si Adriana, 35-anyos at may dalawang anak, ng Victoria’s secret fashion show sa loob ng 15 taon at nais pa niyang makarampa sa 20 show nito.
Inihayag ni Adriana na nagsimula siyang mag-boxing noong siya ay 19 na taong gulang, at nagwo-work out sa Miami, kung saan siya ngayon nakatira, pati na rin sa New York at saanman siya ipapadpad ng kanyang trabaho.
Ibobrodkast ang 2016 Victoria’s Secret show sa United States sa Disyembre 5 at susunod ipapalabas din ito sa 190 pang mga bansa. (Reuters)