SIMULA sa linggong ito, may mga kissing scene at love scene uli sina Tom Rodriguez at Max Collins sa Someone To Watch Over Me at asahang hindi panonoorin ni Pancho Magno ang mga eksena ng girlfriend gaano man kaganda ang itinatakbo ng kuwento ng soap.

Hindi kayang panoorin ni Pancho na may kahalikang iba si Max kahit alam niyang trabaho lang ‘yun. Naiilang siyang makita na may ibang kahalikan ang dalaga. Panoorin man niya, tinatakpan niya ng kanyang palad ang mga mata niya.

Paliwanag ni Pancho, kahit ang kapatid niya o ang mom niyang si Ms. Redgie Magno na bossing ng GMA-7, hindi niya maaatim na makitang nakikipaghalikan.

Pasalamat si Pancho na wala siyang kissing scene sa Encantadia, wala raw pagseselosan si Max. Hindi rin sila nagdadalawan sa kani-kanyang taping bilang respeto sa co-stars nila, lalo na sa kaso ni Max na medyo may pagka-daring ang role sa Someone To Watch Over Me.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Pancho at Max, ready na siya to settle down dahil alam niyang si Max na ang right girl para sa kanya. 

Pero hindi sila nagmamadali dahil may mga pangarap pa silang gustong maabot at pag-amin ni Pancho, nag-iipon pa siya to give Max a better future. (Nitz Miralles)