Isang lalaki na hinihinalang tulak ng droga at kapangalan ng dating pangulo ng Pilipinas ang nasawi matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog malapit sa isang creek sa Barangay San Miguel, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO1 Ricardo Allapitan, ng Pasig City Police, nabatid na si Carlos Garcia, nasa hustong gulang at taga-Barangay Manggahan, ay pinagbabaril dakong 3:20 ng umaga sa Sapang Liwanag creek.

Ayon kay Pita Ramasasa, residente sa lugar, natutulog siya nang maalimpungatan sa sunud-sunod na putok ng baril.

Nang alamin niya ang pinanggalingan ng putok ay nakita umano niya ang dalawang lalaki na papalayo sa lugar habang nakahandusay naman si Garcia, naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Nabatid na kabilang si Garcia sa drug watchlist ng Barangay Manggahan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente para matukoy ang motibo sa krimen at madakip ang dalawang salarin.

(Mary Ann Santiago)