kris-copy

KUNG medyo nabulilyaso noong una, ngayon ay may nagtsika sa amin na tuloy na ang pagkakaroon ng show ni Kris Aquino sa GMA Network.

Bulong ng isa naming source, may maimpluwensiyang tao na malapit kay Kris na kumausap sa isa sa mga may-ari ng APT Entertainment na si Romy Jalosjos na humadlang sa muling pagkakaroon ng show ng Queen of All Media sa GMA-7.

Sabi ng aming source, inayos na ng naturang maimpluwensiyang tao ang anumang problema at mukha namang pumayag na raw si Mr. Jolosjos na makakuha ng time slot sa GMA para sa TV show ni Kris.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dagdag pa ng kausap namin, tuluy-tuloy na si Mr. Tony Tuviera, ng APT Entertainment din, sa pag-aasikaso at paghahanda para sa gagawing show ni Kris sa Kapuso Network.

Katunayan, banggit pa ng source, may series of meeting nang gagawin si Kris kasama ang mga staff ng produksiyon ng APT Entertainment.

Ang problema lang ngayon ay kung anong time slot ang ibibigay ng GMA-7 para sa bagong show ni Kris. Hindi naman daw puwedeng basta na lang palitan ang youth-oriented show na Trops ng That’s My Baes na kasisimula pa lang.

(JIMI ESCALA)