gabbi-garcia-3-copy-copy

BINIGYAN ng very special solo presscon ng GMA- 7 ang soon-to-be debutante na si Gabbi Garcia para ibahagi ang mga magaganap sa kanyang 18th birthday celebration sa December 2, pero sa December 6 gagawin, sa Diplomatic Hall ng Marriott Hotel.

Walang magiging escort si Gabbi sa kanyang debut, gusto niyang ipakita na kaya niyang mag-isa sa kanyang pagtuntong sa legal age.

Bakit hindi sa actual na birthday niya ang kanyang bonggang debut?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Gusto ko pong sama-sama lahat ng family at friends ko at since wala kaming taping ng Encantadia sa araw na ‘yon, mapapadalo ko ang mga kasama ko sa telefantasya namin,” nakangiting sagot ng napakagandang dalaga.

“Isang special day po iyon sa akin dahil bata pa ako, talagang gusto ko nang magkaroon ng debut when I turn 18. Gusto ng parents ko, mag-travel na lang daw kami, pero sabi ko, once lang dumating sa buhay ng isang babae ang maging 18, kaya sige, pag-iipunan ko ‘yon.”

Tatlong gown ang magkakasunod na isusuot ni Gabbi. Ang silver and green growns na isusuot niya ay gawa ni Mark Bumgarner. Ang kanyang after party gown ay gawa naman ni Martin Bautista.

May 18 roses din si Gabbi, ang number one ay ang kanyang lolo, pang-17 ang ka-love team niyang si Ruru Madrid at pang-18 ang kanyang daddy. Nag-promise daw ang friend niyang si Julia Barretto sa 18 candles, pero busy ang isa pa niyang friend na si Kathryn Bernardo kaya hindi sure kung makakadalo ito.

May mababago na ba kay Gabbi ngayong 18 na siya?

“Wala pa rin po naman, since I am under pa rin ng parents ko sa bahay namin. Siguro po ang isang mababago, p’wede na akong manood ng R-18 classification movie. Pero iyong paglabas-labas with friends, ganoon pa rin. Kahit po naman close kami ni Ruru, dahil three years na kaming magka-love team, hindi pa rin kami lumalabas na kaming dalawa lang, either with friends or with our handlers. Siguro, kung kami lang ni Ruru ang lalabas, kailangang trabahuhin niya ito para payagan sila.”

Ano ang birthday wish niya?

“Sana po, magtuluy-tuloy pa rin ang mga blessings na dumarating sa akin, mas maging successful ang career ko.

Nagpapasalamat po ako sa GMA Network kung anong meron ako ngayon at isang malaking karangalan sa akin na nakasama ako sa pinakamalaki nilang project ngayon, ang Encantadia. Nagpapasalamat din ako sa mga fans na sumububaybay sa akin at sana hindi mawala ang kanilang suporta sa akin, mas pagbubutihin ko pa ang lahat ng roles na ibibigay sa akin ng network.” (NORA CALDERON)