snooky-copy-copy

NAKASALUBONG namin sa GMA Network si Marina Benipayo na kasama sa cast ng Afternoon Prime na Hahamakin Ang Lahat kasama ang partner na si Ricardo Cepeda. Nahiya lang kaming interbyuhin ang dalawa, not the right time and right place.

Pero tamang-tama sana na nang makita namin sina Ricardo at Marina ay kababasa pa lang namin sa mahabang post ni Snooky Serna sa Instagram tungkol naman sa boyfriend niyang si Ramon Villaroman ng Bulacan.

Nakakatuwa na parehong masaya ang ex-couple na sina Snooky at Ricardo sa piling ng kani-kanyang partner ngayon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang ganda ng post ni Snooky na message sa boyfriend, mahaba lang, pero ang buod ay ang pasasalamat niya sa boyfriend na hindi lang siya ang tinanggap sa buhay nito, pati ang mga anak niya.

“Thank you for loving my family like you love your own.

“Thank you for bringing me into your family.

“Thank you for for the moments of silence we share together, where words don’t need to be said, but we know we are in it together.

“YOU, RAMON ARE THAT PERSON TO ME.”

Masaya ang buhay at love life ni Snooky, kaiba sa role na ginagampanan niya sa Hahamakin Ang Lahat na puro pasakit at problema. Mas gusto naman nito na pang-telebisyon lang siya malungkot at problemado at sa totoong buhay ay masaya siya. (Nitz Miralles)