IBINUNYAG ni Ricky Martin kay Ellen DeGeneres noong Miyerkules na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si Jwan Yosef.
Mahigit isang taon nang magkakilala ang Latin singer at ang conceptual artist na si Yosef, at naging magkarelasyon simula noong Enero.
Sa interview ni Ellen sa kanya, ibinahagi ng Livin’ La Vida Loca singer kung paano nagsimula at umusbong ang love story nila ni Jwan.
“He’s a conceptual artist, I’m a collector so I started looking for art and I saw his art and I went crazy because I really love what he does, really original and I contacted him,” sabi ni Ricky kay Ellen.
“And you collected him,” nagpapatawang tugon ni DeGeneres.
Inamin din ng 44-anyos na musikero na naging “very bad” ang kanyang proposal.
“I was really nervous, but I got on my knees and I took out the little letterbox. I just had them in a little velvet pouch and instead of saying ‘will you marry me’ I said ‘I got you something’,” aniya.
Kahit hindi naging maganda ang proposal, natanggap pa rin ni Martin ang pinakamatamis na oo mula sa kanyang partner.
Inamin ng Puerto Rican singer na siya ay bakla noong 2010. Mayroon siyang dalawang anak na lalaki na sina Matteo at Valentino – na ipinanganak sa pamamagitan ng surrogacy. Bago makipag-date kay Yosef, nagkaroon ng relasyon si Martin kay Carlos Gonzales Abella. (MB Entertainment)