Sinibak sa puwesto ang 26 na pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-7 dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Sinabi ni Senior Supt. Artemio Recabo, ng PRO-7, na bigo ang 26 na tauhan ng Carbon Police ng Cebu City Police Office (CCPO) na mahuli ang isang high-value target at masalakay ang drug den na nasa area of responsibility nito.

Napaulat na ililipat sa beat patrol, sinabi ni Recabo na base sa ginawang assessment ay mababa rin ang performance ng nasabing himpilan. (Fer Taboy)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile