SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija – Hindi sukat-akalain ng isang 29-anyos na operatiba ng Eastern Police District (EPD) na mawawala ang kanyang service pistol na itinago niya sa compartment ng kanyang motorsiklo na ipinarada niya sa tapat ng isang restaurant sa Barangay Poblacion sa lungsod na ito, Martes ng gabi.

Kinilala ng Munoz Police ang biktimang si PO1 Toribio Sumigcay, Jr., nakatalaga sa Mandaluyong City Police, at residente ng Bgy. Magtanggol, Munoz, na natangayan ng service firearm sa pagitan ng 8:30 ng gabi at 9:45 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gabriel Santiago, kumakain ang pulis at asawa nito sa isang restaurant sa lugar at nang lumabas si Sumigcay ay nakita niyang bukas ang compartment ng kanyang motorsiklo at nawawala ang kanyang .9mm caliber pistol na kargado ng 10 bala. (Light A. Nolasco)

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak