ANG bagong teleserye mula production unit ni Direk Ruel S. Bayani ang dahilan kaya tinanggihan ni Maja Salvador ang OTJ mini-series ng Globe Studio at ipalalabas sa HOOQ mula sa direksiyon ni Erik Matti ng Reality Entertainment.
May nagbulong sa amin na ilang araw bago ginanap ang launching ng OTJ ay umatras si Maja kaya pinalitan ni Bela
Padilla. Ang tsika ng aming source, kinausap ang dalaga dalawang araw bago isinagawa ang launching sa B Hotel.
“Hindi kakayanin ni Maja ang magdalawang programa na parehong TV series dahil baka wala na siyang ibigay sa bago niyang serye,” sey ng source.
“At saka hindi naman din siya bida sa OTJ, isa lang siya sa mga bida, unlike sa bago niyang serye sa RSB unit, siya ang bida.”
So, ito kaya ang dahilan nang magpaalam si Maja sa FPJ’s Ang Probinsiyano, hindi siya ang bida, supporting lang siya, ganu’n ba ‘yun?
“Ay, hindi ko alam ‘yung tungkol diyan sa Probinsyano, pero baka true rin kasi tama ka, hindi naman siya ang bida, kasi that time buhay pa si Bela, di ba? So baka ganu’n, hindi masyadong nagsa-shine si Maja kasi kasama si Bela.
There was a time na kay Bela nakatutok ang istorya as the wife of Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) pagkatapos mamatay ang asawa niyang si Ador Dalisay (Coco Martin),” pagsang-ayon ng aming source.
Pero may tsika na babalik daw si Maja sa Ang Probinsyano, trulili kaya Bossing DMB?
(Kailan? –DMB) (REGGEE BONOAN)