Binira ng human rights lawyer si Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matapos tawaging “temperamental brats” ang mga kontra sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sa isang statement, sinabi ni Eder Olalia ng National Union of People’s Lawyers’ (NUPL), na ang deskripsyon ni Andanar ay pagpapakita ng pagiging arogante.

Ang NUPL ay kinatawan nina dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Neri Colmenares sa Marcos burial case.

“Branding critics as ‘temperamental brats’ is arrogant hubris. Counter arguing that ‘what is moral may not be legal’ is pathetically senseless, if not comical. You’ve had one too many,” ayon kay Olalia.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Tinawag ni Olalia na ‘lunatic’ ang depensa ni Andanar sa planong paglilibing kay Marcos.

Humingi na ng paumanhin si Andanar, ngunit kaliwa’t kanang batikos pa rin ang ibinabato sa kanya. (Chito A. Chavez)