Nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Alan Peter Cayetano sa mga nananawagang bumaba na siya sa puwesto bilang Senate President.
Sa ginanap na press briefing nitong Lunes, Hunyo 8, sinabi ni Sen. Alan na ang panawagan umano na magbitiw siya bilang Pangulo ng Senado ay palatandaang kinikilala pa rin ang kaniyang kapangyarihan.
Aniya, “Nagpapasalamat ako sa inyo, sa call n'yo na mag-resign ako bilang Senate President, kasi ibig sabihin nire-recognize n'yo pa rin ako as Senate President.”
“Kasi kung hindi n'yo na ako nire-recognize as Senate President, bakit kayo nananawagan na mag-resign ako as Senate President, 'di ba?” dugtong pa ni Cayetano.
Matatandaang matapos ang dalawang araw na hindi pagsipot sa Senado ng majority bloc sa pangunguna ni Cayetano, lumitaw si Sen. Chiz Escudero noong Hunyo 3, dahilan para makabuo ng quorum ang minority bloc sa pangunguna ni Sen. Tito Sotto.
Naihalal bilang bagong Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian bilang kapalit ni Sen. Loren Legarda.
Kinilala ng Palasyo ang bagong lideratong ito ng Senado na sinegundahan naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Maki-Balita: Malacañang, kinilala ang 'bagong mayorya' at liderato ni acting SP Gatchalian
Maki-Balita; HS Bojie Dy, binati si acting SP Win Gatchalian
Batay din sa opisyal na website ng Senado, hindi na makikita pa ang titulong Senate President sa pangalan ni Cayetano.