CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Nasa pitong umano’y drug pusher ang napatay habang 43 iba pa ang naaresto sa magkakasabay na one-time big-time (OTBT) police operation sa Bulacan nitong Lunes.

Sa report kay Chief Supt. Aaron Aquino, Police Regional Office (PRO)-3 director, sinabi ni Bulacan Police Provincial Office acting director Senior Supt. Romeo M. Caramat, Jr. na ang 38 OTBT operation ay isinagawa ng 22 sa 24 na himpilan ng pulisya sa Bulacan.

May kabuuang 142 plastic sachet ng shabu, 16 na baril, 871 bala at drug paraphernalia ang nasamsam sa pagpapatupad ng pitong search warrant, 28 buy-bust at tatlong police operation. (Franco G. Regala)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?