jake-angeline-tommy-at-miho-copy

NAPANSIN namin na puro fans ng ToMiho love team nina Tommy Esguerra at Miho Nishida ang nagko-comment sa ibinalita ng Regal Films na showing na sa November 30 ang first movie ng magka-love team, kasama sina Angeline Quinto at Jake Cuenca, na Foolish Love.

Pinalitan na ang mahaba nitong title na Never Been Kissed Never Been Touched.

Walang nagko-comment sa post na fans nina Jake at Angeline na bida rin sa pelikula. ‘Wag sabihing walang fans ang dalawa? Pero bakit pumapayag silang matabunan ng fans ng ToMiho?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Lumalabas tuloy na pelikula lang ng ToMiho ang Foolish Love.

Si Joel Lamangan ang director ng pelikula na natatandaan naming sa presscon ng The Thing Called Tanga Na ay puring-puri si Angeline dahil mahusay na aktres daw. (Nitz Miralles)