Opisyal nang kabarangay si Gilas Cadet Kevin Ferrer.

Naselyuhan ang bagong tambalan ng dating University of Santo Tomas star at Barangay Ginebra matapos lagdaan ni Ferrer ang three-year maximum contract na nagkakahalaga ng P8.5 milyon.

Tulad ng mga kasangga sa Gilas, nanaig ang katatagan na siya ring ginamit nina Mac Belo ng Blackwater at Matthew Wright ng Phoenix.

Dumalo sa contract signing ang ilang opisyal ng GSM, gayundin ang agent niyang si Marvin Espiritu.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Samantala, maagang magkakasubukan ang magkasanggang koponan na San Miguel Beer at Star Hotshop sa pagbubukas ng PBA Season 42 sa Linggo sa Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Sisimulan ng Beermen ang pagdepensa sa korona kontra sa Hotshots sa tampok na laro ng Filipino Conference ganap na 6:15 ng gabi.

Magsisimula ang regular double-header sa Nobyembre 23 tampok ang duwelo sa pagitan ng Blackwater, pangungunahan ni Gilas cadet star Mac Belo, at Phoenix, gayundin ang tapatan ng TNT Katropa kontra Rain or Shine.

Target ng Barangay Ginebra ang back-to-back title matapos pagharian ang Governors’ Cup, Mapapalaban sila sa Katropa sa Nobyembre 27, habang tiyak na aabangan ang “Manila Clasico” sa pagitan ng Gin Kings at Hotshots sa gabi ng Pasko.

Nakalinya rin sa programa ng PBA ang anim na out-of-town game sa Antipolo, Lanao del Norte, Cagayan de Oro, Iloilo, Cebu, and Angeles City.