sunshine-copy

DISMAYADO raw si Sunshine Dizon na bigla siyang tsinugi sa Encantadia ng GMA-7.

Kung kailan nagwaging Best Supporting Actress sa katatapos na PMPC Star Awards for TV ay hindi na mapapanood ng televiewers si Sunshine bilang si Adhara.

Siyempre, hindi lang si Sunshine ang nalungkot kundi lalo na ang kanyang fans na sobrang hindi matanggap ang pagkawala niya sa fantaserye lalo’t sinasabi nilang na-out live niya ang kanyang role bilang Pirena na talaga namang sumikat nang husto, huh!

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Kahit dinamdam ng aktres ang pagkawala niya sa Encantadia, at kung kailan pa naman super enjoy siya sa papel niya, walang magagawa ang Kapuso actress kundi pasalamatan ang GMA.

Ayon sa isang taong malapit sa actress, kinailangang bitiwan ni Sunshine ang papel niya bilang si Adhara dahil kailangan na niyang harapin ang bago niyang show sa Afternoon Prime na silang dalawa ni Gabby Concepcion ang bida.

Excited din naman si Sunshine sa bago niyang proyekto dahil tiyak na muli na naman siyang maipagmamalaki ng kanyang mga tagahanga.

Banggit pa ng source namin, bagong kumbinasyon daw ito at makakasama rin nila ni Gabby ang mahuhusay na mga artista ng Kapuso Network. (JIMI ESCALA)