jessy-copy

ISA si Jessy Mendiola sa mga pinutakti ng tanong sa presscon ng anniversary concert ng Banana Sundae at pinakamainit ang tungkol kay Angel Locsin, ex-girlfriend ng boyfriend niyang si Luis Manzano, na igi-guest daw ng show.

“Hindi pa ba natuloy?” tanong ni Jessy sa staff ng programa, na nang may magsabing hindi natuloy, “ay, wala po kasi ako that time.”

Kung matuloy ba ang guesting ni Angel, hindi na a-absent si Jessy?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Bakit naman po? Hindi naman po ako ang may hawak ng show, eh, so susunod lang din po ako,” sabi ng dalaga.

May isyu ba sa kanila ni Angel?

“Kayo po, meron? Ha-ha-ha,” balik ni Jessy sa nagtanong, pero naisip marahil na hindi maganda ang isinagot niya, kaya dinugtungan ng, “Sabi ko sa inyo, baliw ako, eh! Minsan, ha-ha-ha.”

Okay lang ba sa kanya kung magkaroon sila ng eksena ni Angel sa Banana Sundae?

“Baka po maging drama. Di ba, ayaw n’yo po ng drama? Bakit naman po hindi,” natawang hirit ng dalaga.

Naitanong din ang tungkol sa bashers niya na hindi na raw niya pinapansin at ang boyfriend niya na ang sumasagot.

“May mga bagay lang talaga na hindi napipigilan. Kapag napipikon na, ‘yon, doon na sumasagot. Pero hindi naman lagi.

Siguro ‘pag sobra lang talaga.

“Sa dami-dami ba naman, lagi ba akong mapipikon dapat? Eh,di napagod ako? Sayang ang energy. Ibigay ko na lang sa pagiging masaya ‘yung energy na ‘yon.

“‘Pag malinis ang konsensiya mo, just go on with your life. At the end of the day, kami ang masaya,” katwiran ng dalaga.

Samantala, parehong pina-follow ni Angel at ni Jennylyn Mercado ang isa’t isa sa Instagram, puwede rin bang mangyari ito kay Jessy sa dalawang ex-GFs ni Luis?

“Siguro, in time. Panahon naman din ‘yon, eh. Kasi I’m sure sila, matagal na rin ‘yung gap,” katwiran ng dalaga.

Magiging magkaibigan ba sila ni Angel pagdating ng araw?

“I’m not saying na chummy na friends, pero, di ba? Panahon lang ‘yan, eh. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okey. Kung saan ako masaya, ‘yon. May kanya-kanya kaming buhay, so, it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala, o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.

“Blooming naman siya (Angel) ngayon, so ano bang sense kung bakit kailangan pa nating i-push ang isyu na ‘yon?”

maayos na paliwanag ni Jessy.

At sa tsikang siya raw pala ang naging third party sa hiwalayan nina Angel at Luis...

“Hindi. Kasi, alam ko ang totoo, eh. ‘Pag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan. Kapag alam n’yo na masaya kayo, kapag alam n’yo na wala kayong sinasadya na bagay o sinasagasaan na tao, ‘pag malinis ang konsensiya mo, just go on with your life. At the end of the day, kami ang masaya.

“So, kung ano ‘yung negative na ibato sa amin, nasasalag ‘yon nu’ng saya namin. So, okey lang,” pangangatwiran ng aktres.

Samantala, isa ang Banana Sundae sa mga programa ng Dos na nagpapa-concert tuwing mag-aanibersaryo bilang pasasalamat sa supporters nila at magaganap ito ngayong taon sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao sa Nobyembre 17, Huwebes, 8:00PM.

Mapapanood sa kanya-kanyang production numbers ang cast sa pangunguna nina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Pooh, Ryan Bang, JC de Vera, Sunshine Garcia, Badjie Mortiz, Aiko Climaco, Jobert Austria, Jessy at Pokwang.

(REGGEE BONOAN)