Dalawang regional trial court judges ang target ng imbestigasyon ng Supreme Court (SC) dahil sa pagkakapaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa isang resolusyon, inatasan ng SC ang Office of the Court Administrator (OCA) para imbestigahan sina Presiding Judge Tarcelo A. Sabarre Jr., Branch 30, RTC ng Basey, Samar; at Presiding Judge Carlos Arguelles, Branch 14, RTC ng Baybay Leyte.

Magugunita na napaslang si Espinosa at isa pang inmate na si Raul Yap, sa loob ng sub-provincial jail sa Baybay City, matapos umanong makipagbarilan sa mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8, na magsisilbi sana ng search warrant sa dalawa.

Si Espinosa ay una nang nagsampa ng request sa sala ni Arguelles para mailipat ng kulungan, samantala si Sabarre naman ang nag-isyu ng search warrants sa CIDG.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Nais malaman ng SC kung may pagkukulang o pagmamalabis sa panig ng mga hukom sa kaso ni Espinosa. (Jeff Damicog)