Mas maraming residente ang natuwa kaysa nalungkot sa pagkamatay ng isang ex-convict na umano’y adik at siga sa kanilang lugar nang manlaban sa mga awtoridad sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot si Marlon Servano, 33, ng 10-A Package 1, Block 27, Lot 2, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, dakong 7:30 ng gabi, lango sa ipinagbabawal na gamot ang suspek at hawak-hawak ang sumpak saka sumugod sa bahay ng purok leader na si Leonor Quirante at ito’y pinagbantaan.

Agad tumawag ng pulis ang ilang residente at kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Caloocan Police Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), at naabutan pa nila si Servano na hawak-hawak ang sumpak.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pinakiusapan umano ni SPO2 Remegio Valderama ang suspek na sumuko nang matiwasay, pero tumakbo ito at pumasok sa bahay ng isang Arnel Angala saka pinaputukan ang mga pulis.

Nagdesisyon ang mga awtoridad na paputukan si Servano na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Orly L. Barcala)