matteo-copy

AMINADO si Matteo Guidicelli na may mga tao pa ring hindi pabor sa relasyon nila ni Sarah Geronimo. Pero ganoon na lang ang pasasalamat niya na mas marami ang pawang positibo ang komento sa relasyon nila.

“Sa totoo lang, eh, hindi mo rin naman mapipilit sila kung hindi sila pabor. Meron at meron talaga silang masasabi.

But to the people who inspire us, maraming salamat.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“At du’n naman sa nagnenega, eh, wala tayong magagawa d’yan. Our relationship is not a game. Our relationship is not showbiz, it’s not love team, it’s something real,” seryosong banggit pa rin ni Sarah.

Bagamat mas madalas ay natatawa na lang, kung minsan ay napipikon din si Matteo sa mga negang komento ng bashers na nababasa niya.

“Ako, eh, hindi naman basta na lang pumapatol. Kung tatahimik ba sila or magsasalita pa. (If) it’s a joke, I don’t treat it seriously. Kumbaga, tinatawanan ko lang ‘yan nang madalas,” sey ng guwapong actor.

Ipinagmalaki ni Matteo na ang relasyon nila ni Sarah ang pinakamatagal niya. Kaya kaligayahan ang nararamdaman niya sa mga pagkakataon na kasama niya si Sarah. Lalong sumasaya ang kapaligiran niya tuwing kasama niya si Sarah, ang lagging nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.

“What really matters to me is that she’s the one of the few that really inspires me to do the show, to do my work.

She’s really an inspiration and that’s more than enough for me,” lahad pa ng actor.

May posibilidad bang magtambal sila ni Sarah sa isang project sa TV o sa pelikula?

“May mga nagtatanong sa akin. People kept on asking but I don’t think so. We are not a love team. We are a real life couple, two people who love each other and we want to be together,” sambit pa ng mahusay na aktor at TV host.

(JIMI ESCALA)