Naaresto ng pulisya ang kapatid ng convicted na si Herbert Colanggo sa buy-bust operation sa Barangay Natumulan, Tagoloan, Misamis Oriental, iniulat kahapon.

Kinumpirma ni Police Regional Office (PRO)-10 Spokesperson Supt. Surki Sereñas ang pagkakadakip kay Leoncio Colanggo, 39, ng Bgy. Bayabas, Cagayan de Oro City, habang binibisita ang anak ni Herbert sa Tagoloan.

Nasamsam umano sa suspek ang limang sachet ng shabu.

Tinitingnan na ng pulisya kung may kaugnayan si Leoncio sa umano’y bentahan ng droga sa National Bilibid Prisons na nagdadawit sa kanyang kapatid. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog