janine-at-gabbi-copy

ANG daming nag-likes sa ipinost ni Janine Gutierrez sa Instagram na picture nila ni Gabbi Garcia na nilagyan niya ng caption na, “Maligayang Pagbabalik Alena.”

Si Janine ang gumaganap bilang si Agua na kambal diwa ni Alena (Gabbi) sa Encantadia, siya ang tumulong para bumalik sa pagka-Sang’gre si Alena. Matatandaan na nag-transform sa pagiging pagong si Alena at tinulungan siya ng kanyang kambal diwa na bumalik sa pagiging tao.

Maling prutas lang ang nakain ni Alena dahil kahit bumalik siya sa pagiging tao, sa Lireo naman siya napunta at hindi sa kuta ni Amihan (Kylie Padilla).

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

May request at umaasa ang Encantadiks na kahit tao na uli si Alena, mananatili sa Encantadia si Agua. Nagustuhan nila ang pagganap ni Janine bilang si Agua at sumabay siya sa kagandahan ng mga Sang’gre at para sa kanila, deserving siyang manatili at patuloy na mapanood sa Encantadia.

Samantala, hindi pa natatanong ng kanyang reaction si Janine na ni-like ni Jeron Teng ang picture niya bilang si Agua at kita ang hubog ng katawan at abs sa suot na costume. For sure, humahanga lang si Jeron dahil may girlfriend naman ito, so hindi naghahanap ng maliligawan. (Nitz Miralles)