Ilulunsad ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai ang isang bagong programang negosyo sa agrikultura na hihikayat sa overseas Filipino workers (OFWs) na subukan at kalaunan ay magbibigay ng trabaho sa mga komunidad.

Sa ulat ni Labor Attaché Ofelia Domingo kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang programang tinawag na “Dubai Entrepinoy Reintegration Program” ay magbibigay ng daan para sa pang-ekonomiya at panlipunang reintegrasyon para sa OFWs sa Dubai at Northern Emirates.

“The program also seeks to develop, implement, and evolve progressive and responsive reintegration programs for OFWs and their families that are attuned to their communities’ needs, and maximize the benefits of migration for the development of the country,” pahayag ni Domingo.

Ang POLO-Dubai ang magpapatupad ng programa sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General sa Dubai at Northern Emirates (PCG-DNE), Filipino Human Resources Practitioners’ Association (Fil-HR-Dubai), Don Bosco Multipurpose Cooperative (DBMC), at ang munisipalidad ng Mlang, North Cotabato.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sinabi ni Domingo na ang programa ay kinabibilangan ng produksyon ng organic rice na manggagaling sa munisipalidad ng Mlang, North Cotabato, na kinilala bilang isa sa mga pinakamahirap na lalawigan sa Pilipinas, at ipamamahagi sa UAE, sa pamamagitan ng DBMC.

Ang DBMC ang nagmamay-ari ng 159 ektarya ng taniman sa Mlang, kung saan ang household service workers (HSWs) ay bibigyan ng slots. (Mina Navarro)