KUALA LUMPUR, Malaysia – Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Miyerkules sa mga miyembro ng Filipino community sa Malaysia kung saan muli niyang ipinangako ang zero corruption sa pamahalaan.
“I promised the people... ito seryoso na talaga, corruption must stop and it will stop during my time,” sabi ng Punong Ehekutibo sa harap ng 1,800 Pilipino na nagtipon sa Mandarin Oriental Hotel dito.
Magugunita na tumakbo si Duterte sa nakalipas na halalan bitbit ang pangako na agresibong lalabanan ang katiwalian, kriminalidad at ilegal na droga.
Sa kanyang talumpati, pinayuhan ng Pangulo ang mga overseas Filipino worker (OFW) na maging assertive lalo na sa pakikiharap sa mga tauhan ng opisyal ng pamahalaan. (Elena L. Aben)