Mga Laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

8 n.u. -- AdU vs UE (Women)

10 a.m. – DLSU vs UP (Women)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagsalansan ng 16 puntos si Candice Magdaluyo para tulungan ang University of Santo Tomas sa pagtala ng 74-70 panalo laban sa Adamson University para patuloy na buhayin ang tsansa na makausad sa Final Four kahapon sa UAAP Season 79 women's basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nag- ambag si Shanda Anies, ng 14 puntos, anim na rebound, limang assist at apat na steal, habang nag-ambag si Jhenn Angeles ng 12 puntos para sa Tigresses na naghahangad na makasama ng defending two-time champion National University, De La Salle at University of the East sa susunod na round.

Dahil sa panalo, umangat ang UST sa barahang 6-7, habang bumaba ang Lady Falcons sa 5-7.

Nanguna para sa Falcons si Jamie Alcoy na may16 puntos at pitong rebound.

Sa tapatan ng kapwa sibak nang koponan, inungusan ng University of the Philippines ang Far Eastern University, 46-44, para sa ikalawa nilang panalo sa loob ng 12 laro.

Hataw si Antonia Wong sa Lady Maroons sa nakubrang 12 puntos at 10 rebound. Bagsak ang Lady Tamaraws sa 3-10.

(Marivic Awitan)