cogie-at-lovi-copy

ISA sa mahuhusay na artista ng kanyang panahon si Cogie Domingo kaya marami ang nagtaka nang pansamantala siyang huminto at hindi na napanood sa pelikula at telebisyon.

Marami naman siyang ginulat nang bumulaga siya na ang guwapu-guwapo pa rin, sa isang eksena ng Someone To Watch Over Me as Ian Villanueva na tila magiging third wheel nina Joanna (Lovi Poe) at TJ (Tom Rodriguez).

“Kahit ako nagulat nang malaman kong papasok sa aming inspirational drama series si Cogie,” sabi ni Lovi. “Matagal ko rin siyang na-miss, dahil dati kaming magkasama kay Tito Leo (Dominguez), my manager. Parang ten years na ba iyon, and I’m glad he’s back. Maganda pa, ‘yong character niya, hindi pagseselosan ni TJ sa story.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Masaya rin si Cogie sa kanyang pagbabalik, na guest lang ay napakaganda at napaka-lovable ng role niya.

“Na-miss ko rin ang pag-arte at thankful ako sa GMA na isinama nila ako sa magandang series na ito at si Direk Maryo J. delos Reyes pa ang nagha-handle muli sa akin.”

Ang role niya bilang si Ian ay athletic din gaya ni TJ, mahilig sa basketball, nagti-trekking din, at marunong lumangoy. May mina-manage siyang coffee shop na malapit sa village nina TJ at Joanna. Doon niya na-meet ang mag-asawa at nagpasimula ng kanilang magandang friendship.

May back story rin si Ian pero ikinuwento na lamang niya ito, na happily married siya sa wife niya of five years, si Giselle, pero nagkasakit at namatay sa cancer. Naiwan siya ni Giselle na wala silang naging anak kaya nahirapan siyang mag-move on, hindi siya nakaisip makipag-date or maghanap ng bagong asawa.

At sa resort na may coffee shop niya, nailigtas niya si Joshua, ang anak nina Joanna at TJ, nang nahulog sa pool.

Naging friends sila, nakita ni TJ kung gaano kabuting tao si Ian at naisip niya na puwede niyang ipagkatiwala si Joanna rito kung mapabayaan na niya dahil sa lumulubha na ang kanyang Alheizmers disease. Naisip ni TJ na i-match sina Joanna at Ian.

Magtagumpay kaya si TJ, samantalang alam niyang siya lamang ang mahal ni Joanna? At si Ian, pumayag naman kaya siya, dahil minsan na itong ginawa sa kanya ni Giselle noong may sakit na ito, na imina-match din siya sa ibang babae?

Touching ang mga susunod pang mangyayari sa pagsasama nina TJ at Joanna, at ni Ian. Napapanood ito gabi-gabi sa GMA 7 pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (NORA CALDERON)