Tunay na tumaas ang kumpiyansa ng Ateneo Blue Eagles sa pagkapanalo sa nangungunang La Salle Green Archers.

Laban sa Far Eastern University, hataw ang Blue Eagles, sa pangunguna ni Thirdy Ravena na kumana ng krusyal jumper para dagitin ang 74-59 panalo kontra sa Tamaraws kahapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Nagawang maibaba ng Tamaraws ang bentahe ng Eagles sa pitong puntos mula sa basket ni Raymar Jose, ngunit nakawala sa depensa si Ravena para maisalpak ang magkasunod na jumper na nagpalawig sa bentahe ng Eagles, 67-56.

Bunsod ng panalo, nakasosyo ng Blue Eagles ang Tamaraws sa No.2 spot tangan ang 8-4 karta, ngunit tiyak na makukuha ng Ateneo ang twice-to-beat dahil sa win-over-the other.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!