PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat - Napag-alaman na bukod sa pinsala sa mukha ay matindi rin ang natamong pinsala sa ulo ng isang operatiba ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army makaraang sumemplang ang kanyang motorsiklo sa national road sa Barangay San Pedro ng bayang ito, dakong 10:30 ng gabi nitong Martes.

Inilarawan ng President Quirino na “self accident” ang sinapit ni Rey Jay Rillo, 29, may asawa, sundalo, at taga-General Santos City. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan