coco-copy-copy

IPINAGDIINAN ng kausap naming ABS-CBN insider na bagamat may pumipigil ay desidido ang kanilang management na ituloy ang pagsasama sa isang serye nina Coco Martin at Liza Soberano.

Sabi ng source, nasa planning stage na ang seryeng pagtatambalan nina Coco at Liza sa unang pagkakataon.

Banggit pa niya, nabubulabog nga raw sila dahil nang pumutok ang balitang pagtatambalin sa isang proyekto ng dalawa ay may mga tagahanga ang dalaga na talagang nagparamdam na ayaw nila.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Sa halip na matuwa dahil makakatambal ni Liza ang Primetime King ng Dos ay umaapela ang mga ito na sana raw ay huwag paghiwalayin ang LizQuen, ang love team nina Liza at Enrique Gil.

Lahad daw ng mga ito, huwag na sanang ituloy ang tambalang Coco at Liza dahil makakagulo lang ito sa sinasabing nangungunang love team ngayon.

Pero dagdag pa ng source namin, kahit may mga puwersa mula sa mga tagasuporta ng kanilang mga alagang artista, kung nakikita ng management na bagay na pagsamahin sa isang proyekto ang sinuman sa Kapamilya stars ay itutuloy pa rin iyon.

“Naku, kung ang mga artista, eh, walang magagawa kundi ang sumunod sa anumang ipinag-uutos ng network na gagawin nilang proyekto, ang mga fans pa kaya ang tututol sa kagustuhan ng management?” sey pa ng source namin. (JIMI ESCALA)