Suriing mabuti ang bibilhing Christmas décor at tiyaking hindi pagmumulan ng sunog ang mga ilaw. Ito ang paalala ng grupong EcoWaste Coalition sa inaasahang pagdagsa ng mamimili sa Divisoria upang mamili ng Christmas decors ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, dapat na maging extra-vigilant ang mga bibili ng seasonal items tulad ng Christmas lights, at tiyaking sumailalim ang mga ito sa safety evaluation.

Babala ni Dizon, kung hindi tiyak ang kaligtasan ng bibilhing Christmas lights ay maaari itong magdulot ng electric shock, sunog at chemical exposure.

“For the safety of your family and the environment, please do invoke your right to be protected against harmful and poor quality products, which is guaranteed by the Constitution, all the time,” payo pa niya. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter