julia-montes-1-copy

HINDI binibitiwan ng mga manonood ang lalo pang umiinit na mga tagpo sa afternoon serye na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Patuloy na namamayagpag ang Doble Kara at buong linggo nitong tinalo ang bagong katapat na programa sa national TV ratings.

Simula October 31 (Lunes) hanggang November 4 (Biyernes), nagtala ng lima hanggang anim na puntos na lamang ang Doble Kara laban sa Hahamakin Ang Lahat, ayon sa survey data ng Kantar Media, pinakamataas ang agwat noong Huwebes (Nov 3) nang umabot ang show ni Julia sa 17.6% kumpara sa 11.3% ng katapat.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Inaabangan ngayon sa kuwento kung magtatagumpay ang planong isasakaturapan ni Sara (Julia) na nais makatakas sa kulungan upang mailayo sa kapahamakan ang kanyang anak na si Becca at ang pamilya nito. Ngunit hindi magiging madali ang kanyang kalayaan sa panganib na nagbabadya sa kanyang pagtakas.

Ano kayang kapahamakan ang naghihintay sa kanya?

Napapanood ang Doble Kara tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.