Nagmistulang punching bag ang mukha ng isang kilabot na isnatser makaraang pagtulungang gulpihin ng mga tambay dahil sa pambibiktima sa isang Koreano sa Makati City, nitong Huwebes ng gabi.

Halos magkulay talong ang mukha ni Fernando Fernandez, nasa hustong gulang, walang permanenteng tirahan, at kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police matapos biktimahin si Gona Lim, 34, pansamantalang nanunuluyan sa Makati Avenue ng nasabing lungsod.

Dakong 11:00 ng gabi, nag-aabang ng taxi ang biktima nang huminto sa kanyang harapan ang isang motorsiklo na kinalululanan ng suspek at sapilitang hinablot ang kanyang bag.

Nagsisigaw sa paghingi ng tulong si Lim at agad naman siyang sinaklolohan ng mga istambay sa lugar ng mga nakakita.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Nahaharap sa kasong robbery snatching si Fernandez. (Bella Gamotea)