Sa Lunes, Nobyembre 7, na sisimulan ang drug test sa may 7,168 opisyal ng barangay sa lungsod ng Maynila.
Kaugnay nito, nagbabala si Mayor Joseph “Erap” Estrada na papatawan ng mabigat na parusa ang sinuman na mapapatunayang gumagamit ng ilegal na droga, alinsunod sa Civil Service Commission Executive Order 292 o ang Administrative Code of 1987, at ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nagbabala si Estrada sa mga barangay officials na hindi magpapakita sa Manila Barangay Bureau (MBB) para magpa-drug test.
“Hindi tayo tatanggap ng anumang rason o alibi. Dapat silang pumunta at magpa-drug test,” diin ni Estrada.
(Mary Ann Santiago)