wave-1-dingdong-copy

PINAYAGAN ng GMA-7 si Dingdong Dantes na mag-guest sa shows ng ABS-CBN para tumulong kina Angelica Panganiban at Paulo Avelino na mag-promote ng Star Cinema movie nilang The Unmarried Wife showing sa November 16 sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

Lumabas na si Dingdong sa news programs ng Dos at siguradong may mga kasunod pa siyang guesting sa ibang shows ng network.

Hindi hype ang sinasabi ni Dingdong na maganda ang The Unmarried Wife dahil sa trailer pa lang, napanood na kung bakit sinabi ni Direk Maryo na special ang pelikula niyang ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa movie, ginagampanan ni Dingdong ang character ni Geoff, ang naglokong asawa ni Anne (Angelica). Third time nang nagkasama sa pelikula sina Dingdong at Angelica, pero dito lang sa The Unmarried Wife sila napasubo sa aktingan at nasampal pa ni Angelica si Dingdong nang bongga.

Tinanong si Dingdong kung isa na si Angelica sa mga nakaeksena niya na malakas manampal at kung nasaktan siya.

“Malinaw ang hugot ng karakter niya sa lakas ng impact sa akin ng sampal niya. Minsan lang ‘di ako makarinig. Sakto lang, pinaka-passionate siyang manampal,” sagot ni Dingdong.

Samantala, siguro naman, hindi lang ang Alyas Robin Hood ang na-promote ni Dingdong nang bumisita siya sa isang publication para pag-usapan ang action series niya sa kanyang home network na sinusubaybayan gabi-gabi.

Masuwerte si Dingdong sa challenge na bigay sa kanya ng magkaibang karakter na ginagampanan sa The Unmarried Wife at Alyas Robin Hood. (NITZ MIRALLES)