GAGANAPIN sa Paris ang taun-taong inaabangan na Victoria’s Secret Fashion.

Ipapalabas ng buo sa Nobyembre 30, naglabas ang Victoria’s Secret sa kanilang YouTube channel ng teaser ng nalalapit na fashion show.

Isusuot ni Jasmine Tookes ang Fantasy Bra ngayong taon, na nagkakahalaga ng halos $3 million (P144,000,000).

Idinisenyo ito ni Eddie Borgo, at yari sa halos 9,000 na mamahaling gemstones, diamonds, at emerals na 18-karat gold.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mukhang kumpleto na ang line-up para sa fashion show kahit wala pang inilalabas na opisyal na listahan ang lingerie company.

Sa isang article ng Cosmopolitan, muling rarampa ang dating VS Angel na si Karlie Kloss pagkaraan ng isang taong pamamahinga para mag-concentrate sa kanyang pag-aaral.

Nagbabalik sa pangalawang pagkakataon ang mga kilalang mukha tulad nina Kendall Jenner at Gigi Hadid pati na rin si Bella Hadid..

Manonood naman sa fashion show ngayong taon ang mga bagong mommy na sina Behati Prinsloo at Candice Swanepoel, na nagsilang ng kani-kaniyang anak nitong Setyembre at Oktubre.

Ipapalabas ang fashion show sa Disyembre 5 sa ganap na 10:00 ng hapon sa CBS. (MB Entertainment)