Sugatan ang isang tindera matapos paghahampasin sa ulo ng isang lalaking hinihinalang drug pusher matapos umanong mapagbintangang police asset sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Isinugod sa ospital si Nancy Campollo, 46, ng 26 Magsaysay Street, corner Sampaloc St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Muslim”, residente umano ng Perla St., Tondo, at sinasabing sangkot sa illegal drug activities.

Sa ulat ni Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nabatid na bago ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang biktima matapos umanong akusahan ni Muslim si Campollo na asset ng mga pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dakong 2:15 ng hapon kamakalawa ay paalis umano sa kanyang bahay si Campollo at kanyang live-in partner na si Manul Llarenas, nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaghahampas ang ulo ng biktima. (Mary Ann Santiago)