Nagtala ng tatlong sunod na panalo si Francis Casey Alcantara upang umabante sa 16-pares na men’s doubles semifinal at sa 32-player men’s singles ng US$10,000 2016 Vietnam F9 Futures-Becamex IDC Cup sa Community Sports Center sa Thu Dau Mot City, Vietnam.

Tumuntong sa Final Four ang 24-anyos at 5-foot-7 mula Cagayan de Oro City sa pakikipagtambalan kay Kittiphong Wachiramanowong ng Thailand para daigin ang second seeded pair at unseeded tandem nina Vinayak Sharma Kaza at Sasi Kumar Mukund ng India, 6-2, 6-2.

Naunang nabiktima nitong Lunes nina Alcantara at Wachiramanowong ang pares ng Australian na si Mislav Bosnjak at Indonesian David Agung Susanto, 6-1, 6-1.

Panalo rin ang dalawa sa kapwa unseeded Frenchman Laurent at Rochette, 6-2, retired, upang maitakda ang second round match ngayon kay Indian Rashib Agarwal na 5-7, 6-4, 7-6 (4) winner kay Wachiramanowong.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nais makabawi ni Alcantara mula sa runner-up finish sa doubles katambal si Susanto at sa first round exit agad sa Vietnam F8 Futures-Becamex IDC Cup nung Oct. 24-30 sa nasabi ring venue.

Samantala, nanalasa rin ang sixth seeded Alberto Lim, Jr. sa magkasunod na panalo para pumalaot sa Seogwipo Asia Oceania International Junior Tennis Championships 2016 Boy’s singles third round sa Seogwipo Tennis Courts sa Jeju-Do, South Korea.

Huling tinalo ng 17-anyos na Filipino netter sa Last 32 si Australian qualifier Rinky Hijikata, 7-6 (5), 6-4, matapos gapiin ang Korean qualifier na si Seong Yong Han, 6-3, 6-3, sa six-day netfest na binuksan nung Oktubre 31 at matatapos sa Nobyembre 5.

Target ni Lim ang quarterfinals slot sa pakikipaghampasan kay 10th seeded Nippon Shinji Hazawa na may dalawang sunod din na panalo na ang huli ay kontra Korean qualifier Lee Hui Geun, 7-5, 6-2. (Angie Oredo)