lady-gaga-copy

NAKARATING na ang award-winning pop artist na si Lady Gaga sa Tokyo, Japan para i-promote ang kanyang pinakabagong album na Joanne. Sinalubong ang singer ng naghihiyawang fans na may dala-dalang mga banner at artwork, na itinatampok ang kanyang bagong record, na ipinangalan sa kanyang middle name.

Nagpakasimple si Lady Gaga, na sumikat sa kanyang magagarang costumes, sa suot niyang itim na outfit na may diamond straps at matingkad na pink na sombrero. Inihayag ng singer sa media na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa Japan at sinabi rin na mahal niya ang kanyang fans sa Tokyo.

Pumirma rin ng mga autograph ang singer-songwriter at nagpasalamat sa fans para sa muling pag-iimbita sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“(I) just wanted to bring happiness to everyone today and I think a pink hat makes every day happy,” aniya.

Nanguna na ang Joanne sa weekly U.S. Billboard 200 album chart. Ito ang kanyang ikaapat na album na nanguna rito.

Ikalimang studio album ni Lady Gaga ang Joanne. Nagsimulang manguna ang rock-infused record sa U.S Billboard 200 chart noong Lunes. (Reuters)