Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang local government units (LGUs) na gawing voters’ registration center ang mga day care center sa kanilang lugar upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ina na makapagrehistro para sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ito’y alinsunod sa Comelec Resolution No. 10166, na ipinasa ng en banc, ilang araw bago ang pagsisimula ng registration period sa Nobyembre 7.

“In the conduct of registration, the Election Officers (EOs) shall encourage the LGUs, through the Gender and Development Focal Point System Office, to open their Day Care Centers during registration days, at no cost to the Comelec,” nakasaad sa naturang resolusyon. (Mary Ann Santiago)

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya