Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang masusing imbestigasyon sa pamamaril at pagpatay ng riding-in-tandem sa isang lalaking estudyante sa kolehiyo na anak ng isang retiradong pulis, sa Antipolo City.

“I have directed the RD (regional director), PRO4A (Police Regional Office 4A), or the Calabarzon to exert more efforts in investigating this case,” sabi ni Dela Rosa.

Tinutukoy ni Dela Rosa ang pamamaril ng tandem sa 21-anyos na si Yani Jebulan, third year Psychology student, at anak ng retiradong pulis na si Alfredo Jebulan.

Sa isang post sa Facebook, ipinahayag ni Alfredo ang matindi niyang galit pagkadismaya sa sinapit ng anak, at nagbabalang siya mismo ang magpapataw ng hustisya para sa kanyang anak kung mabibigo ang pulisya na gawin ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“My point is, if I will know that one of your policemen has the hand for the cause of the death of my son, God forbid, I will let heaven and earth befall upon him,” saad sa post ng retiradong pulis. “I know you don’t tolerate this but let me be very, very frank. If they know how to kill people, SO AM I.”

Ang Facebook post ni Alfredo ay para kina Pangulong Duterte at Gen. Dela Rosa.

“This goes to you too, Gen. Dela Rosa, sir. I’m begging you, help me solve the unnecessary death of my son. PLEASE or I will be the one to do it without your help,” sabi ni Alfredo.

Dahil dito, sinabi ni PRO-4A Director Chief Supt. Valfrie Tabian na sinisilip nila ang lahat ng anggulo sa pamamaslang kay Yani, lalo na at hindi sangkot ang estudyante sa ilegal na droga.

“Tinitingnan namin ang posibilidad ng personal na away bilang isa sa mga anggulo. May nagsabi sa amin na galing siya (Yani) sa burol at may nakaaway daw doon,” ani Tabian. “Pero hindi siya, ‘yung kasama niya. Pero siya ‘yung napuruhan.” (Aaron B. Recuenco)