[caption id="attachment_204126" align="aligncenter" width="280"]HyperFocal: 0

NILINAW ng Canadian pop singer na si Justin Bieber na dismayado lamang siya at hindi nagalit sa naghihiyawang fans, na nagpahirap sa kanya para makipag-usap sa kanila, kaya nagawa niyang mag-walkout sa kamakailan kanyang konsiyerto sa England. 

Iniwan ng teen heartthrob ang mikropono at umalis sa entablado nang hindi pakinggan ng fans ang pakiusap niya na tumigil muna sa paghihiyawan habang kumakanta siya nang magkonsiyerto siya sa Manchester, England noong Oktubre 23.  

“There’s going to be times where you know I say the wrong thing because I’m human and I don’t pretend to be perfect... I’m not a robot,” sabi ng 22-anyos na singer sa fans niya sa Glasgow noong weekend sa kanyang Purpose tour

BALITAkutan

Hindi arte lang! Mga artistang nakaranas ng legit na kababalaghan

“There’s going to be times when I get upset, going to be times when I get angry, there’s times when I’m going to be frustrated, but I’m always going to be myself on this stage... All I was simply doing was wanting people to listen; to kind of hear me out a little bit,” ani Bieber. (Reuters)