imelda-copy

MAY rason naman palang ma-bash si Miss Earth Philippines Imelda Schweighart dahil taklesa. Sa harap ng kanyang fans, sabihin ba namang ‘”fake” ang newly crowned na si Miss Earth Katherine Espin ng Ecuador.

Nakunan pa naman ng video ang pagtawag niya ng “fake” sa bagong Miss Earth, kaya nagpista ang bashers sa kanya.

Tinatawag tuloy siyang “sore loser” dahil sa ipinakitang pag-uugali. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa simula pa lang ng contest, controversial na si Miss Earth Philippnes dahil sa mga pinaggagawa at mga sinasabi.

Remember the Hitler issue? Ito ‘yung tinanong niya si Miss Austria tungkol kay Hitler at nag-comment din siya ng, “Oh my God! Our President is doing Hitler stuff here in the Philippines.”

Nakakatawa, sa halip na ikalungkot, mas natutuwa tuloy ang mga kababayan natin na hindi nanalo si Imelda. 

Mas nakaaaliw na nagtatanong pa siya kung bakit daw siya naba-bash. (NITZ MIRALLES)