KINUMPIRMA ni Shaina Magdayao na nasa bakasyon ang kapatid niyang si Vina Morales kasama ang French businessman boyfriend na si Marc Lambert. Ito raw ang dahilan kaya hindi na kinunan ang dapat ay guest role nito sa indie movie nila na ipapalabas sa Cinema One.

Umiwas si Shaina na magkomento tungkol sa kasong isinampa ni Cedric Lee laban kay Vina.

“Palagay ko, eh, hindi na tamang magkomento pa tayo tungkol diyan. Nasa korte na ang lahat. But, of course, andito lang naman kami to support my sister and my niece Ceana. Hangga’t nasa tama naman, and it’s all for the protection of my niece, eh, nandiyan kami lagi,” sabi ni Shaina.

Lagi siyang nakasuporta sa nakatatandang kapatid saan man sila makarating.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“We’re here to protect her, of course. Kaya nga hangga’t maaari, we don’t want to talk about it. We just want to show our support to Ate Vina,” sey ng dalaga.

Samantala, ipinaliwanag ni Shaina ang video na kuha sa kanilang dalawa ng dating boyfriend niyang si Piolo Pascual habang sweet na sweet silang sumasayaw sa Star Magic Ball. Naging viral ang video na mismong si Piolo ang nag-upload, pero dahil marahil sa kung anu-anong negatibong mga komento ay tinanggal iyon ng actor sa social media.

Walang nakikitang masama si Shaina sa pagsasayaw nila ni Papa P, dahil okasyon naman talaga iyon na dapat ay maging masaya ang lahat.

“And I think ‘yun naman ang reason why we had the Ball, so that we could all have fun. Sa sobrang busy namin lahat, it’s so nice to see our bosses and co-artists namin. It’s so nice to see everyone, once a year lang siya nangyayari, di ba?” magandang paliwanag ni Shaina.

Naniniwala siya na isinasagawa ng kanilang talent management agency ang nasabing okasyon para pansamantalang makalimutan ng lahat ang trabaho at kung anu-ano pang commitments.

“Why not have fun, di ba? As long as it’s clean fun, it should be okay,” sey pa ng magaling na aktres.

Iginiit din ni Shaina na hindi lang naman kay Piolo siya nakipagsaya kundi sa halos lahat ng mga kasamahan niyang Kapamilya stars.

“I had fun with everyone. Not guys lang, ha? I had fun with all my friends in the business. Napakadami naman ng kasama ko that night.”

Diretsahang inamin ni Shaina na wala siyang karelasyon ngayon. Pero naniniwala siya na darating at darating ang pagkakataon na may matatawag siyang boyfriend at hindi niya iyon ililihim sa lahat.

“Sa ngayon, eh, wala akong itatago at hindi naman siya katagu-tago kung meron man. Pero ‘pag dumating ‘yun sa tamang panahon, eh, malalaman din ng lahat ‘yun,” seryosong pa ni Ms. Shaina Magdayao. (Jimi Escala)