MAPAPANOOD ang taunang A Song of Praise (ASOP) Music Festival Grand Finals at awarding ceremony sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre 7, 8 PM, handog ng UNTV.

Ikalimang taon na ang ASOP Music Festival Awards at ngayong taon ay pipiliin sa 12 bagong awitin ang mananalong Song of the Year na mag-uuwi ng P500,000 in cash; lahat ng hindi mananalo ay may consolation price na P20,000 at ang mapipiling People’s Choice award ay mag-uuwi ng P50,000.

Sa presscon ng UNTV para sa ASOP nitong Miyerkules, Oktubre 25 sa Hukad Restaurant, Trinoma ay ipinakilala ang mga composer at interpreter.

1. God Will Always Make a Way – sinulat at nilapatan ng musika ni Glenn Bawa at Ronald Calpis at si Bugoy Drilon naman ang interpreter.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

2. Tapat Mong Pangako – likha ni Gulliver Enverga at ang boyband na The Voysing naman ang kakanta.

3. Ikaw Lamang ni Jonathan Sta. Rita at ang 2nd season contestant ng The Voice na si Tim Pavino naman ang aawit.

4. Ikaw Pala – na sinulat ni Wilfredo Gaspar at ang powerful voice na si Ima Castro ang napiling mag-interpret nito.

5. Tanging Ligaya gawa ni Angelica Soriano at ang YouTube sensation na at X-Factor 2011 auditionee na si Zendee Tenerefe ang napiling kumanta.

6. Ang Iyong Pangalan ni Romarico Mendiola Jr. na kakantahin naman ng grand winner ngPilipinas Got Talent Season 1 na si Jovit Baldovino.

7. Patawarin Mo Ako komposisyon ni Fernando Gardon at ang R&B singer na si Kris Lawrenceang performer.

8. Araw at Ulan ni Joselito Caleon at ang bossa nova singer na si Sitti naman ang kakanta.

9. Pag-ibig Ka, Oh Dios – words and lyrics by LJ Manzano na aawitin ng magkakapatid na JBK boy band.

10. Mula sa Aking Puso likha ni Joseph Ponceat si Carlo David ang interpreter.

11. Kumapit Ka Lang ni Noemi Ocio at kakantahin naman ni Mela. 

12. You Stood By Me likha ni Vincent Labating at ang dating miyembro ng Rivermaya na si Jason Fernandez na nag-audition din sa The Voice season 2.

Ang kumpetisyon ay sponsored nina UNTV Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng Ang Ating Daan.

Sa presscon, ipinaliwanag ng kilalang kompositor at jingle writer/arranger na si Mr.Mon del Rosario na lahat ng entries ay dumaan sa karayom bago nakarating sa finals dahil hinimay-himay nilang mga hurado ang pagtatama ng bawat salita o ini-edit ang tamang lyrics bago lapatan ng musika.

Kaya tinanong si Mr. del Rosario kung hindi ba nawawalan ang originality ang kompositor kapag ini-edit nila ang bawat entry.

“As a resident judge of ASOP, in my case po, more on guiding the composers, I ask the composers kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanta niya, ‘tapos sasabihin ko na hindi ganyan ang naririnig (naiintidihan) ko, eh. So more on a technical aspects in guiding them kung paano i-improve ang storytelling nila.

“Pero ako personally, I tried to avoid writing the actual lyrics sila (composers/lyricist) pa rin po ‘yun. Kasi sa technical term, magulo minsan ang timeline tulad ng may kuwento siya na kahapon, ngayon, bukas. Eh, medyo magulo po ‘yun, kaya ‘yun po ang inaayos na sinasabi namin sa composer. So the judges is pointing out kung ano ‘yung mga mali kaya may mga recommendation,” maayos na paliwanag Mr. del Rosario.

Nagkuwento ang mga kompositor na kasali sa ASOP Music Festival na malaking tulong ang nagawa sa kanila ng nasabing patimpalak dahil nailabas nila ang talent nila sa paglikha ng mga awiting papuri sa Panginoong Diyos.

Samantala, maaaring makaboto ang publiko sa gusto nilang kanta sahttps://www.asoptv.com/poll para sa People’s

Choice Award at sumuporta sa Original Pilipino Praise Music sa pag-subscre sa official  YouTube channel ng ASOP na - https://www.youtube.com/asoptv

Lahat ng twelve songs ay napapakinggan na sa Wish FM 107.5. 

Layuin ng ASOP Music Festival na palaganapin ang mga salita ng Diyos kaya libre itong nada-download at hindi rin ipinagbibili ang CD’s na pinaglalagyan ng lahat ng kantang narinig sa nakaraang apat na taong ASOP Music Festival.

(REGGEE BONOAN)